DOTr: Pagsusuot ng face mask, mandatory pa rin sa LRT, MRT, at PNR

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA —  Mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng tren ng Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), at Philippine National Railways (PNR).

Ito ang mahigpit na paalala kahapon ng Department of Transportation (DOTr) bunsod ng pagtaas muli ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino na istrikto pa rin nilang ipinatutupad sa loob ng mga tren ang pagsusuot ng face mask bilang preventive measure laban sa pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Aquino, mandatory rin ang pagsusuot ng face masks sa loob ng mga istasyon ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3, ngunit opsiyonal ito sa mga istasyon ng PNR, na open air spaces naman.

“Our medical professionals in the railways sector stressed that the risk of COVID-19 transmission remains present in our trains as they are enclosed spaces,” ani Aquino.

“Security personnel deployed in all of our stations and trains will help ensure that the policy is strictly enforced,” dagdag pa niya.

Bagamat milyun-milyon na ang mga Pinoy na tumanggap ng COVID-19 vaccine, hinikayat pa rin ni Aquino ang riding public na manatiling vigilante at protektahan ang kanilang kapwa commuters, sa pamamagitan nang pagsusuot ng face masks.

LATEST

LATEST

TRENDING