MRT-3 platform babakuran para iwas aksidente, suicide

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Bubuhayin ng Department of Transportation (DOTr) ang rekomendasyon na maglagay ng barriers at platform screen doors sa mga istasyon ng tren upang makaiwas sa aksidente ang mga pasahero.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni DOTr Assistant Secretary Jorjette Aquino kasunod ng insidente noong Miyerkoles kung saan isang babaeng senior citizen ang sinasabing tumalon sa riles ng Metro Rail Transit (MRT-3) na ikinasawi nito.

Ayon kay Aquino, iminungkahi na ito noon sa mga nakalipas na administrasyon subalit hindi naipatupad dahil sa kawalan ng budget kaya ilalarga nila ulit ang rekomendasyon para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Umaasa ang opisyal na sana ay mapaglaanan ng pondo ang rekomendasyon para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

“Kasama sa ating rekomendasyon ang pag-install ng platform screen doors o mga barrier na nakikita n’yo rin sa ibang bansa. In fact, ‘yong mga nakaraang administrasyon ay nagkaroon na rin ng ganitong proposal kaya lang dahil sa kakulangan sa budget, hindi ito natuloy. So sa administrasyong ito, atin pong ibabalik ang pag-pursue sa ganitong rekomendasyon kung kakayanin ng budget,” ani Aquino. 

LATEST

LATEST

TRENDING