20 Chinese ships muling namataan sa Kalayaan Island

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Patuloy ang presensya ng mga barko ng China makaraang nasa 20 vessel ang mamataan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nag-isyu ng ‘challenge’ sa gitna ng ikinasang maritime patrol sa Kalayaan Island Group kahapon.

Sa ulat, nasa katubigan ng Kalayaan ang BRP Malapascua ng PCG mula Marso 16-21 nang mamataan ang nasa 20 barko ng China at isang Vietnamese flag sa may Sabina Shoal.

Ilan sa mga barko ay Chinese Coast Guard habang nakita rin ang isang People’s Liberation Army-Navy Type 056A Jiangdao II Class Missile Corvette.

Nag-isyu ang BRP Malapascua ng ‘multiple radio challenges’ laban sa dalawang CCG vessels na may bow numbers 5304 at 5305 sa Sabina Shoal ngunit hindi tumugon ang mga ito. Nakipagpalitan naman ito ng radio challenges sa PLAN vessel na may bow number 649 na nasa loob ng 12-nautical miles territorial waters ng Pag-asa Island.

Nagpadala rin ng radio challenge ang PCG sa CCG vessel 5201 na nasa 1.2 nautical miles sa Philippine Navy vessel BRP Sierra Madre. Sinundan naman ng naturang barko ng China ang BRP Malapascua ng may 1,600 yarda hanggang sa makabalik ito sa Baliluyan Port sa Palawan.

Nagpadala rin ang PCG ng mga tauhan sakay ng ‘rigid-hull inflatable boats’ na umikot sa paligid ng shoal bilang bahagi ng kanilang patrulya.

Ipinadala na ng PCG sa National Task Force for the West Philippine Sea ang kanilang ‘post-operawtion report’.

LATEST

LATEST

TRENDING