Utang ng Pilipinas, P13.75 trilyon na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nasa P13.75 trilyon na ang utang ng Pilipinas noong katapusan ng Pebrero, sabi ng Bureau of the Treasury (BTr) kahapon.

Kung paghahati-hatian ito ng 110 milyong mga Pilipino, sanggol man o matanda, bawat isa ay may utang na P125,025.

Ayon sa BTr, mas malaki ng 13.7% ang utang sa katapusan ng Pebrero 2023 kung ikukumpara sa P12.09 trilyon na itinala noong Pebrero 2022.

Sabi ng BTr, bumaba ang foreign debt sa P4.31 trilyon noong Pebrero 2023 kung ikukumpara sa Pebrero 2021 at sa Enero 2023.

Nagbayad ang pamahalaan ng ilang foreign debt ngunit tabla lamang ang nangyari dahil humina naman ang piso sa P55.21 laban sa dolyar nitong Pebrero kumpara sa P51.285 na halaga nito noong Pebrero 2022.

Lumaki ang inutang ng pamahalaan sa loob ng bansa na umabot na sa P9.44 trilyon nitong Pebrero 2023, mas ma­laki ng 12.2% kaysa sa P8.41 trilyon na itinala noong Pebrero 2022.

Lumalaki nang lu­malaki lamang ang utang ng Pilipinas dahil mas malaki parati ang ginagastos ng pamahalaan kaysa sa revenue nito mula sa mga buwis, taripa, at mga sinisingil na fees and charges ng iba’t ibang mga tanggapan ng pamahalaan. 

LATEST

LATEST

TRENDING