SSS at BI kapit-bisig sa pagbibigay ng social security coverage sa mga empleyado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Lumagda sa isang memorandum agreement ang  Social Security System (SSS) at Bureau of Immigration (BI) upang pagkalooban ng social security coverage ang lahat ng job order at contract of service ­workers  ng BI.

Personal na nilagdaan ang naturang kasunduan nina SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at BI Commissioner Norman G. Tansingco  sa isang  ce­remonial signing, kung saan mabebenipisyuhan   ang nasa 800 job order at contract of service workers  na nagtatrabaho sa immigration regulatory body.

Sa ilalim ng kasunduan, ang BI’s job order at contract of service workers ay makakatanggap ng  SSS coverage sa ilalim ng KaSSSama sa Coverage Program. Sa ilalim ng programa, ang naturang mga tauhan ng Immigration Bureau ay ­ilalagay na  self-employed members  ng  SSS.

Nakasaad  pa sa kasunduan na ang  BI ay magiging Coverage at Collection Partner ng  SSS.

Inootorisahan ng SSS ang BI na kolektahin at e-remit ang buwanang kontribusyon ng naturang mga manggagawa sa pamamagitan ng salary-deduction scheme.

Niliwanag ni Macasaet  na ang natu­rang mga manggagawa bilang self-employed SSS members ay  entitled na makatanggap ng social security benefits tulad ng sickness, maternity, disability, retirement, funeral at death benefits.

Makakakuha rin sila ng dagdag na  coverage mula sa  Employees› Compensation Program (ECP) para sa work-related contingencies.

Maaari rin silang mag-aplay sa iba’t ibang pautang para sa mga miyembro ng SSS tulad ng salary at calamity loans.

Pinasalamatan naman ni Commissioner Tansingco ang  SSS  sa pagpupursigi nitong mabigyan ng social security be­nefits para sa kanilang mga manggagawa.

LATEST

LATEST

TRENDING