Mabigat na parusa vs mga scammer inaprub

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Umusad na ang panukala na naglalayong labanan ang mga scammer na bumibiktima sa mga may bank account at e-wallets.

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa kamakailan ang panukalang Anti-Financial Account Scamming Act (House Bill 7393) na magpapataw ng parusa sa mga money mule at nasa likod ng mga social engineering scheme.

Money mule ang tawag sa mga taong kumukuha, tumatanggap, naglilipat, o nagwi-withdraw ng pera o pondo na nanggaling sa ginawang krimen o social engineering scheme.

Ang mapatutunayang nagsilbing money mule ay makukulong ng anim na buwan hanggang anim na taon at/o pagmumultahin ng P100,000 hanggang P200,000 sa ilalim ng panukala.

Ang social engineering scheme naman ay ang panloloko o paggamit ng iba’t ibang iligal na paraan para makuha ang confidential o personal na impormasyon ng mga may-ari ng bank account o e-wallet.

Ayon sa panukala, ang parusa sa mga nasa likod ng social engineering scheme ay kulong na anim hanggang 12 taon at/o multang P200,000 hanggang P500,000.

LATEST

LATEST

TRENDING