30-minutong ‘heat break’ sa MMDA enforcers, street sweepers epektibo simula Abril

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Magpapatupad ng kalahating oras na “heat stroke break” ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kani-kanilang mga tauhan simula Sabado, ika-1 ng Abril, upang makaagapay sa tindi ng init ng araw sa mga nagbabagang kalsada.

Ito ang inilahad ni MMDA acting chairperson Don Artes, Miyerkules, matapos niyang pirmahan ang isang memorandum circular kontra sa posibilidad ng “heat exhaustion,” “heat stroke” at “heat cramps” sa ngayong tag-init o hot dry season.

“This move is part of the agency’s efforts to prevent heat-related illness among our outdoor workers who brave the searing heat every day to fulfill their duties and responsibilities,” ani Artes sa isang pahayag.

“Their safety is of paramount importance.”

Ipatutupad ang nasabing heat stroke break simula ika-1 ng Abril hanggang ika-31 ng Mayo. Sakop ng naturang utos ang mga on-duty traffic enforcers at street sweepers na papayagang umalis sa kanilang mga poste upang sumilong mula sa araw upang mapababa ang makapagpalamig.

Sinasabing aabot ng hanggang Mayo ang warm and dry season, na siyang nakaaapekto na sa ngayon sa marami.

“The heat stroke break shall be done alternately by those who are assigned in a particular area to maintain visibility of traffic enforcers and street sweepers and to ensure field operations are not hampered,” paliwanag pa ni Artes.

Maaari naman daw magdawdaw ng 15-minuto pang break-time oras na umabot sa 40°C pataas ang heat index o “human discomfort index.”

LATEST

LATEST

TRENDING