NCR, Cavite 14-oras kada araw walang tubig buong summer

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Mas mararamdaman ang init ng summer dahil na rin sa pahayag ng Maynilad Water Services Inc. sa posibilidad ng water interruptions na tatagal ng 14 na oras kada araw sa buong “summer” habang naghahanda sila sa El Niño phenomenon.

Ayon sa Maynilad, makakaranas ng mahi­nang daloy o walang tubig sa gripo ang households sa maraming lugar sa Metro Manila at Cavite.

Nagsimula ang water interruption nitong Martes, Marso 28, at apektado ang mga lugar sa Maynila, Malabon, Caloocan, Navotas, Quezon City, Makati, Parañaque, Las Piñas, Pasay, at Bacoor City, Cavite City, Noveleta at Rosario sa lalawigan ng Cavite.

Ang nasabing water interruption ay makakaapekto ng isang milyong households.

Ayon sa Maynilad, bagamat nananatiling “comfortable” sa 203.29 meters ang water level sa Angat Dam, na mas mataas sa 180 meters minimum operating level, umaasa silang sa paghahanda sa El Nino phenomenon ay makakaroon pa rin ng tubig ang mga residente.

LATEST

LATEST

TRENDING