LTO nakaalerto sa Semana Santa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sasailalim sa heightene­d alert ang Land Transportation Office (LTO) simula sa Marso 31 upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at motorista sa Semana Santa at sa mga magbabakasyon ngayong tag-init.

Ang heightened alert status ay sisimulan sa Marso 31 hanggang Abril 10, kasama na ang weekend.

Papatak sa Abril 6 at 7 ang Huwebes at Biyernes Santo habang ang Araw ng Kagitingan ay nilipat naman sa Abril 10.

Sinabi ni LTO chief Jay Art Tugade na magsasagawa sila ng sorpresang inspeksyon sa mga terminal, tutulong sa mga motorista kung kinakailangan at magsagawa ng inspeksyon sa mga public utility vehicle sa nasabing panahon.

“Wala kaming hangad sa LTO kundi ang masigurong mairaraos nang maayos at ligtas ang Holy Week at bakasyon ng ating mga kababayan. Hinihingi rin namin ang pakikiisa ng publiko sa pag-iingat at pagsunod sa mga batas-trapiko para sa biyaheng ayos ngayong taon,” saad ni Tugade sa isang statement.

LATEST

LATEST

TRENDING