
MANILA – Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na magtayo ng financing program na magiging alternatibong mauutangan ng mga maliliit na negosyo na kadalasang kumakapit sa 5-6 o mga loan shark.
Ang panukalang Pagbabago at Pag-asenso Program o P3 Fund (House Bill 7363) ay inaprubahan sa sesyon noong Martes sa pamamagitan ng voice voting.
Sa ilalim ng panukala, ang P3 Fund ay pa¬ngangasiwaan ng Small Business Corporation (SB Corp.) sa tulong ng mga accredited partner financial institution (PFI) nito gaya ng rural bank, thrift bank, development bank, cooperative bank, kooperatiba, non-stock saving, at loan association, microfinance non-government organization, o lending company.
Ayon sa panukala ang magiging interes ng uutanging pera ay hindi maaa¬ring lumagpas sa 1% kada buwan kung direct lending, at hindi maaaring lumagpas ng 2.5% kada buwan kung sa pamamagitan ng PFI.





