Abril 10 idineklarang holiday ng Palasyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Idineklara ng Mala­kanyang ang mga araw ng Abril 6-7, 2023 bilang mga opisyal na holiday sa bansa.

Layon nito na mabig­yan ng pagkakataon ang mga Katolikong Pilipino na magnilay-nilay alinsunod sa pagdiriwang ng Mahal na Araw.

Bukod pa rito, idi­nek­lara rin ng Malakanyang na regular holiday ang Abril 10, Lunes, bilang Araw ng Kagitingan.

“Pursuant to Proclamation No. 90, s. 2022, Malacañang declares April 6,7, and 10 of the year 2023 a regular holiday in observance of the Holy Week (April 6-9) and the Day of Valor (April 10),” ang makikita sa post ng Official Gazette ng Malakanyang.

“Gamitin natin ang pag­kakataong ito upang makapagbigay ng oras sa ating mga mahal sa buhay habang responsable tayo sa pagsunod sa mga health at safety protocols. Nawa’y maging mapayapa at makabuluhan ang panahong ito para sa lahat,” ayon pa rin sa Palasyo.

LATEST

LATEST

TRENDING