Pangulong Marcos binakuran suplay ng kuryente vs cyberattack

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinalakas ng gobyerno ang mahigpit na pagbabantay sa power system ng bansa sa pamamagitan ng nilagdaang kasunduan sa pagitan ng National Intelligence Coordinating Council (NICA) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes, Marso 13, ang pirmahan ng Memorandum of Understanding (MOU) sa Malacañang sa pagitan ng mga opisyal ng NICA at NGCP.

Sa kanyang talum­pati, sinabi ng pangulo na sa pamamagitan ng MOU ay mapapalakas ang pagbabantay at proteksiyon sa bansa laban sa cyberattack.

“The NGCP is in charge of a very critical aspect of our lives. With what we have witnessed today is a very important event in the continuing effort of our country to protect itself against any attacks from the cyberspace,” anang pangulo.

Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang inisyatiba ng NGCP para masiguro ang proteksiyon ng power transmissions sa bansa laban sa ano mang dayuhang banta.

“There have been fears that the involvement of any foreign entity in our power transmission system would present a security threat to the Philippines. Well, this is a very good step towards answering that challenge,” dagdag ng Pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING