Globe nagbabala sa mga recruitment scam

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA —  Nagbabala ang Globe Telecom sa publiko na maging maingat laban sa mga tinatawag na recruitment scams na kumakalat ngayon sa mga social media platform kung saan gumagamit umano ng altered official photos ng kanilang kompanya at mga empleyado para magmukha itong lehitimo.

Ayon sa pahayag mula sa kompanya, maging ang telcom company ay ginagamit ng mga scammer kung saan minamanipula ang mga larawan na magmula na Globe at nag-aalok ng trabaho sa freshmen na magbibigay sa kanila ng work-from-home arrangement.

Ipinakita rin umano ng scammers ang larawan ng isang prize winner na binibigyan ng napanalunan.

Pero kung sisiyasatin ang larawan, ito ay dinaya lang maging ang job offer na P35,000.

Ginamit rin ang mga larawan ng Globe employees upang ma-mislead umano ang mga customer para isipin ng job seekers na lehitimo sila.

“Always verify the authenticity of information you see on social media because scams abound online. Refrain from sharing personal or financial information until you have verified the legitimacy of any job offer you receive,” sinabi ni Globe Chief Privacy Officer Irish Salandanan-Almeida.

LATEST

LATEST

TRENDING