
MANILA – Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagkasundo sila ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim na magkaroon ng malalimang diskusyon ang dalawang bansa tungkol sa Sabah.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang foreign secretary ng Pilipinas at Malaysia na ang magpa-follow up upang makabuo ang kasunduan sa naturang isyu.
“Napag-usapan din namin ang issue ng Sabah. ‘Yun alam niyo naman, meron tayong claim diyan sa Sabah na sinasabi nating nasa Pilipinas iyan. Ngayon, sila ang administrator ng Sabah kaya’t sabi namin, kaila¬ngan nating pag-usapan nang masinsinan iyan,” wika ng Pangulo sa kanyang vlog nitong Sabado.
Noong 1963, isinama ng British government ang Sabah sa tinatag na Federation of Malaysia. Nanindigan naman ang Pilipinas na ang Sabah ay pinarentahan lamang at hindi binigay sa British North Borneo Co., ang administrator ng teritoryo bago ito sakupin ng Britain noong 1878.
Inatasan ng French arbitration court ang Malaysian government noong 2022 na bayaran ang mga tapagmana ng Sulu sultan ng US$14.92 billion dahil sa paggamit sa Sabah.





