
MANILA – Umaabot na sa P6.9 bilyon ang aprubadong pautang ng Land Bank of the Philippines sa 144 transport cooperatives at kompanya sa buong bansa sa ilalim ng Special Package for Environment-Friendly and Efficiently Driven Public Utility Vehicles o SPEED PUV Program nito.
Ayon sa Landbank, mahigit 3,120 jeepneys na ang nabili sa ilalim ng SPEED PUV as of January 31, 2023 na papatak sa average na mahigit P2.2-milyon ang isa.
Ayon sa Landbank, maaaring uta¬ngin sa bangko ang 95% ng halaga ng pagbili ng modern jeep sa interes na 6% kada taon o 0.5% kada buwan. May subsidy na P160,000 sa bawat sasakyan mula sa national government para sa mga class 1, 2, 3, at 4 category model at maaaring umabot ng hanggang 7 taon ang bayaran.
Sabi ni Landbank President and CEO Cecilia Cayosa Borromeo, manana-tiling nakatutok ang bangko sa pagpapaganda ng public transport system ng bansa para sa mga transport operators at mga pasahero.
“Landbank continues to extend much-needed financial support to assist drivers and operators upgrade their fleet, in line with the national government’s transport modernization agenda,” sabi ni Borromeo.
Sabi ng Landbank, P10 bilyon ang inilaan nito para sa SPEED PUV program na nagsimula lamang sa P1.5 bil¬yon noong 2017. Sabi ng bangko, tatlong beses na nito nilakihan ang budget allocation para sa SPEED PUV para mas maraming kooperatiba at kompanya ang makinabang.





