Santo Papa naghigpit, ‘freebies’ ng mga cardinal tinanggal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sa layuning mabawasan ang mala­king gastusin ng Vatican, iniutos ni Pope Francis na tanggalan ng diskuwento pati na rin ng libreng pagtira sa apartment ang mga cardinal at matataas nitong opisyal.

Ayon sa Santo Papa, kailangan magsakrispisyo ang lahat para maisakatuparan ng Simbahang Katolika ang misyon nito sa buong mundo at maitaas ang kita ng Simbahan sa malawak na mga ari-arian nito mula sa Rome hanggang Paris, London at Geneva.

Hindi pa tinukoy kung kailan opis­yal na ipatutupad ang utos ng Santo Papa na siyang napagkasunduan sa dayalogo ng Santo Papa sa pinuno ng economy deparment ng Vatican noong Pebrero 13.

Noong 2021, binawasan ng Santo Papa ang suweldo ng mga cardinal at matataas na opisyal ng Vatican para pagaanin ang pinsalang idinulot ng pandemya ng COVID-19 sa mga gastusin ng Holy See.

LATEST

LATEST

TRENDING