Marcos Jr. niregaluhan Malaysian PM ng libro ni Rizal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Binigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng libro ni Jose Rizal si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim matapos ang kanilang bilateral meeting sa Malacañang nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nagpalitan ng regalo ang dalawang lider kung saan ang libro ni Rizal na Noli Me Tangere (Tercera Edition, 1909) ang ibinigay ng pangulo sa kanyang bisita.

Sinabi ni Ibrahim na ikinukunsidera nito si Dr. Jose Rizal bilang “precursor to Asian renaissance” at nagpasa­lamat ito sa pangulo dahil sa ibinigay na regalo na aniya ay walang katumbas na halaga.

Hindi naman tinukoy kung ano ang ibi­nigay na regalo ni Ibrahim kay Pangulong Marcos.

Binigyan naman ng Waling-Waling brass card holder ang asawa ni Ibrahim na si Dr. Wan Azizah Binti Wan Ismail na ginawa ng Cebuano artisans. 

LATEST

LATEST

TRENDING