
MANILA – Itinulak ni Davao City Rep. Paolo Duterte kasama ang dalawa pang kongresista ang pagbibigay ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa lahat ng miyembro nito ng libreng taunang medical checkup na may kasamang blood sugar at cholesterol tests.
Sinabi ni Duterte na ang pagkakaroon ng preventive healthcare at ang maagang pagtukoy sa mga sakit ay makatutulong upang mabawasan ang malaking gastusin sa pagkakasakit sa hinaharap.
Inihain ni Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS party-list Rep. Edvic Yap ang House Bill 5074 upang mandohan ang PhilHealth na awtomatikong bigyan ang lahat ng mga miyembro nito ng libreng checkup na may kasamang blood sugar at cholesterol tests kada taon.
Ang pagdaragdag ng libreng laboratory at diagnostic tests ay dedepende sa pondo ng PhilHealth.





