
MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na habambuhay niyang babayaran ang utang na loob sa mga Pilipino na patuloy na sumusuporta sa kanyang administrasyon.
“Kaya po hindi po namin ititigil, hindi ko po makalimutan ang init ng inyong pagsuporta, hindi ko po makakalimutan. Kaya’t lagi kong iniisip the support and the affection that I receive from you I have to pay back. And if it takes the rest of my life, I will happily spend the rest of my life paying it back to you,” wika ni Marcos sa distribusyon ng ayuda sa mahihirap na pamilya sa Cebu noong Lunes.
Sinamahan ng mga national at local official ang Pangulo sa kanyang pagbisita sa Cebu kung saan kabilang sa kanyang nilunsad ay ang Cebu City Bus Rapid Transit System, Pambansang Pabahay para sa Pilipino program at ang ‘Kadiwa ng Pangulo’.
Ipinaalala naman ni Governor Gwendolyn Garcia kay Marcos na ito ang unang pagbisita niya sa lalawigan simula noong 2022 presidential campaign.





