‘Kadiwa ng Pangulo’ umarangkada sa Cebu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakarating na sa Cebu City ang ‘Kadiwa ng Pangulo’ para makabili ng mas murang produkto ang mga Cebuano.

Ito ay bilang pagtupad sa pangako ni Pangulong Ferdinand ‘bongbong’ Marcos Jr. noong Disyembre na palalawigin niya ang serbisyo ng Kadiwa pagkatapos ng holiday season.

Pinangunahan ng pangulo nitong Lunes, Pebrero 27, 2023 ang pagbubukas ng kauna-unahang ‘Kadiwa ng Pangulo’ sa Cebu Provincial Capital Grounds kung saan binisita nila ni Cebu Governor Gwen Garcia at iba pang mga opisyal ng gobyerno ang mga produktong ibebenta sa mas mababang presyo.

Nakapako sa P25 kada kilo ang NFA rice, P190-P200 kada kilo ang sibuyas at P90 naman ang bawat kilo ng bawang.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na ibinalik nila ang ‘Kadiwa ng Pasko’ dahil patuloy pa ring may krisis at mataas pa rin ang mga bilihin at mala­king tulong ito para mapagaan ang gastusin ng mamamayan. 

LATEST

LATEST

TRENDING