DBM inilabas ang P500M cancer assistance fund

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kalahating bilyong pisong pondo sa Department of Health (DOH) para sa Cancer Assistance Fund ngayong 2023.

Ayon sa DBM, ang P500 million na pondo ay upang tustusan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga pasyenteng may sakit na cancer.

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang sakit na cancer ang isa sa mga pangunahing ikinamamatay ng mga Pilipino at kahit may mga kaya sa buhay ay nahihirapan sa gastos dahil sa mahal na gamutan sa mga ospital.

Tinataya aniyang nasa 60% ng gastos ay mula sa bulsa ng mga pasyente at private insurance kaya ginawa nila ang CAF.

LATEST

LATEST

TRENDING