Ayuda dapat para sa lahat

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Balak daw bigyan ng pamahalaan ng P1,000 ayuda ang “pinakamahirap sa mga mahihirap” bilang panlaban sa lumalalang inflation.

Siguradong matutuwa ang mga kababayan nating maralita sa balitang ito. Pero paano naman ‘yung nasa middle class category na nagdurusa rin?

Lahat ng tao ay apektado ng sobrang taas ng bilihin. Kung mayroon mang posibleng hindi umaaray sa taas ng bilihin, ito ay ‘yung mga super-yaman. ‘Yung mga tycoons na may-ari ng mga conglomerate of businesses.

Gayunpaman, namumroblema rin sila sa sobrang mahal ng production cost. Pero hindi naman ito kabigatang problema dahil ipapasa lang naman nila sa consumers ang extra cost sa binibili nilang produkto.

Kaya naniniwala ako na ito ay isang mundo na ang mga ma­salapi ay lalong yumayaman at ‘yung mga dukha ay lalong naghihirap. Nakakaawa ang ganitong kalagayan pero iyan talaga ang katotohanan.

Inihahanda na ng pamahalaan ang isa pang pagbibigay ng cash assistance sa ilalim ng Targetted Cash Transfer (TCT) prog­ram upang makatulong sa taumbayan na pigang-piga na ang dugo sa sobrang taas ng mga paninda. Parang sa tingin ko nga, wala na’ng middle class kundi mahihirap na lang at mayaman.

Kung magbibigay ng ayuda, huwag pipiliin ang bibigyan gaya nung panahon ng pandemya. Kapag nakita ng barangay na konkreto at malaki ang bahay mo, itsapuwera ka na sa cash assistance as if, lahat nang malalaki ang bahay ay mayaman.

LATEST

LATEST

TRENDING