Singapore namuhunan ng 130 bilyon sa Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Umabot sa P241.9 bilyong foreign investments ang inaprubahan ng iba’t ibang investment promotion agencies ng bansa nu’ng 2022, mas malaki ng 26% kaysa sa P192.5 bilyong foreign investments na inaprubahan noong 2021, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Ang Singapore ang pinakamaraming planong ipuhunan sa bansa. Ayon sa PSA, P130.6 bilyon ang inaprubahang¬ investments mula sa Singapore nu’ng 2022, mas malaki ng 63% kaysa sa P80.17 bilyong inaprubahan nu’ng 2021. Sumunod naman dito ang Japan kung saan P51.98 bilyon ang aprubadong bagong investments nu’ng 2022, mas malaki ng 112% kumpara sa P24.47 bil¬yon nu’ng 2021.

Ang Netherlands ang pangatlo sa pinakama¬laking panggagalingan ng aprubadong investments. Ayon sa PSA, P20.66 bilyon ang aprubadong investments mula Netherlands nu’ng 2022 ngunit mas mababa ito ng 23% kaysa sa P26.9 bilyon na naaprubahan nu’ng 2021.

Pang apat ang United Kingdom na P11.25 bilyon ang aprubadong investments nu’ng 2022, mas mababa ng 16% kaysa sa P13.38 bilyong inaprubahan nu’ng 2021, at pang lima ang Estados Unidos na P5.06 bilyon ang aprubadong investment nu’ng 2022 mula sa P3.82 bilyon nu’ng 2021.

LATEST

LATEST

TRENDING