P50K ayuda sa biktima ng rape hinirit

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinatataasan ng isang mambabatas ang tulong pinansyal para sa mga biktima ng karahasan.

Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo noong 1992 naisabatas ang Victims Compensation Program (VCP) kung saan bibigyan ng P10,000 tulong ang mga biktima ng marahas na krimen gaya ng mga biktima ng panggagahasa upang matulungan ang mga ito sa kanilang ginastos sa pagpapagamot at nawalang kita sanhi ng ginawang krimen sa kanila.

Makalipas ang ilang dekada, sinabi ni Rillo na nananatili pa ring P10,000 ang pinakamataas na maaaring makuhang tulong ng biktima mula sa Board of Claims ng Department of Justice (DOJ). Sa ilalim ng House Bill 5029, hiniling ng kongresista na itaas ito sa P50,000.

“Congress must now upgrade the ceiling to reflect the changing times,” sabi ni Rillo.

Ang VCP ay bukod pa sa danyos na maaaring ibigay ng korte sa biktima ng karahasan.

Ang mga biktima naman ng hindi makatarungang pagkakakulong ay gagawing P100,000 kada taon.

Batay sa datos ng Philippine National Police, mayroong 5,177 kaso ng panggagahasa noong 2022 samantalang 4,205 naman ang kaso ng murder at 977 ang kaso ng homicide.

LATEST

LATEST

TRENDING