Marcos paparamihin trabaho para walang mag-abroad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nagpaliwanag si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nitong Linggo na ang mga biyahe niya sa labas ng bansa ay para mapa­lakas ang ekonomiya ng Pilipinas upang mapakinabangan ng mga Filipino migrant workers at ng kanilang pamilya.

Sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Tokyo, sinabi ni Marcos na hangarin ng kanyang administrasyon na mapabuti ang kalaga­yan ng mga Pilipino upang hindi na sila mag-isip pang magtrabaho sa abroad.

“Ang aking pangarap ay masabi na natin na sapat ang trabaho sa Pilipinas… at kapagka ang isang Pilipino ay nag-abroad para magtrabaho, ito ay dahil pinili niyang pumunta sa abroad, hindi napilitang pumunta… dahil may magandang buhay sa ating bansa,” wika ng pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING