Presyo ng sardinas, kape, noodles, itinaas ng DTI

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inaprubahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas ng presyo ng 76 na produkto o stock keeping units, partikular na mga delatang sardinas, gatas, 3-in-1 na mga kape, instant noodles, tinapay, sabong panlaba, canned meat at mga pangtimpla ng lutuin o condiments.

Sabi ng DTI, 45 sentimos hanggang P7 ang tinaas sa SRP ng ilang mga pa­ngunahing bilihin ngayong Pebrero. Ito ang pangalawang pagkakataon na tinaas ng DTI ang SRP ng mga pangunahing bilihin ngayong termino ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Unang pinayagan ng DTI na magtaas ng SRP noong Agosto 2022. Bago iyon, Mayo 2022 naman ang huling pagtataas ng SRP ng DTI.

Sabi ng DTI, nagmahal man ang pres­yo ng 76 na produkto o SKUs, hindi naman gumalaw ang SRP ng 65% o ng 141 na mga produkto o SKUs.

Pinakamalaki ang tinaas sa presyo ng Eveready Super Heavy Duty Black-Blister Pack na D battery na dalawahan ang laman na P77.25 na ngayon mula P70.25.

Naglalaro sa piso hanggang P2 ang tinaas sa SRP ng delatang sardinas at ganoon din ang sa mga sabong panlaba.

LATEST

LATEST

TRENDING