Phivolcs itinaas sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Itinaas na ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang kalagayan ng bulkan dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Bicol.

Ito’y matapos maitala ng ahensya ang paggalaw ng lupa sa paligid ng bulkan at ang paglabas ng makakapal na usok sa bunganga nito.

Sa nakalipas na 24 oras, naitala ang isang volcanic earthquake at isang pagbulusok ng maliliit na bato.

Mayroon ding naiulat na pamamaga ng lupa o ground deformation habang 294 tonelada ng sulfur dioxide kada araw ang ibinuga mula pa Enero 18.

Dahil dito, agad inirekomenda ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan ng Albay na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 6 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan dahil sa posibleng pagtaas ng aktibidad ng Mayon.

Nagpaalala rin ang ahensya na posibleng makaranas ng phreatic explosion, rockfall mula sa tuktok ng bulkan at pagdaloy ng lahar kung may malakas na pag-ulan doon.

LATEST

LATEST

TRENDING