DA itinakda sa P125/ kilo ang SRP ng imported onions

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Itinakda na ng Department of Agriculture (DA) sa P125 ang suggested retail price (SRP) ng kada kilo ng imported na sibuyas sa bansa, epektibo sa Miyerkules, Pebrero 8.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na ang P125 per kilo SRP ay napagkasunduan matapos ang stakeholders meeting na dinaluhan ng mga importers, traders, at retailers.

“Doon po napagkasunduan na i-re-rekomenda ang P125 per kilo for red onions na imported. Ito naman po ay inabprubahan na,” wika ni Evangelista.

Kabilang sa mga ikinonsidera sa pagtakda ng P125 SRP ng imported red onions ang presyo ng importer kasama ang mga gastos matapos ang tinatawag na landed cost na P77 at wholesaler’s price.

“Nakipag-usap po tayo do’n sa mga wholesaler sa Divisoria…so ina-average na lang po natin ‘yan…With that we came up with a price na P125 at ito naman po ay sinang-ayunan ng ating mga retailers,” dagdag niya.

Napilitan ang DA na mag-import ng sibuyas dahil sa sobrang taas ng presyo nito at upang punan ang malaking demand dito ng mamamayan sa kabila na kakaunti ang suplay sa bansa.

May 21,000 metric tons ng sibuyas ang naapruhang angkatin ng DA pero mahigit 3,000 metric tons pa lamang ang dumating sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING