PhilHealth: Walang premium rate hike ngayong 2023

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Isang magandang balita ang nais na ipabatid ni Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth) acting President at Chief Executive Officer (CEO) Emmanuel Ledesma, Jr. sa kanilang mga miyembro, na sa buong taon ng 2023 ay walang magiging pagtaas sa premium rate nila.

“Sineseguro po ng PhilHealth na patuloy ninyo kaming magiging kaakibat sa pagsulong ng kalusugan para sa lahat. Ngayong taon at sa mga susunod pa ay makakaasa po kayo sa patuloy na bagong benepis­yong malawakan para sa mamamayang Pilipino,” wika ni Ledesma, Jr.

Ayon sa PhilHealth acting president at CEO, una nilang ipinahayag ang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na suspendihin ang nakatakda sanang premium rate increase nga­yong taon, na mula 4% ay magiging 4.5% habang itataas din ang income ceiling na ang P80,000 ay gagawing P90,000.

Samantala, sa nakaraang pagdinig ng Senate Committee on Health hinggil sa panukalang pag-amyenda sa Republic Act No.11223 o ang Universal Health Care (UHC) patungkol sa premium contributions, sinabi Ledesma na pinag-aaralang mabuti ng PhilHealth ang mungkahing magkaroon ng fixed premium rates para sa ilang member categories bunsod na rin ng guiding principles ng National Health Insurance Program on Equity and Social Solidarity – partikular sa risk sharing sa hanay ng lahat ng income groups.

LATEST

LATEST

TRENDING