Presyo ng sibuyas, bumababa na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Bumababa na ang pres­yo ng sibuyas sa merkado, epekto na rin nang pagda­ting ng suplay ng imported na sibuyas sa bansa.

Sa monitoring ng Department of Agriculture (DA), umaabot na ng P200 hanggang P350 kada kilo ang presyo ng ilang uri ng sibuyas sa Metro Manila.

Nasa P240 hanggang P250 na ang presyo ng lokal na pulang sibuyas habang P200 hanggang P250 naman ang kada kilo ng imported na pulang sibuyas.

Nasa P170 hanggang P300 naman kada kilo ang lokal na white onion habang P250 hanggang P260 sa imported na puting sibuyas.

Ayon kay DA Assistant Secretary at spokesperson Rex Estoperez, sa ngayon ay wala silang nakikitang kakulangan sa suplay ng sibuyas sa bansa, bunsod na rin aniya nang pagda­ting ng mga imported na sibuyas sa bansa at pag-aani na ng sibuyas ng mga magsasaka.

Una nang umabot sa hanggang P720 ang kilo ng sibuyas sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng suplay nito.

LATEST

LATEST

TRENDING