OCTA: Covid-19 positivity rate sa NCR tumataas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Ayon sa OCTA Research Group noong Linggo, nakitaan ng pagtaas ng positivity rate o ang bilang ng mga taong sumasalang sa Covid-19 test at nagpopositibo sa virus sa Metro Manila.

Sa datos ni OCTA fellow Dr. Guido David, naitala ang “seven-day positivity rate” sa 2.4% nitong Enero 27 mula sa 2.0% nitong Enero 26. Noong Enero 20, naitala ito sa 2.5%.

Sinabi ni David na wala pang konklusyon kung magpapatuloy ang pagtaas sa positivity rate at kailangan pang masusing subaybayan ito sa mga susunod na araw at linggo.

Samantala, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 199 bagong Covid-19 cases nitong Sabado para maitala ang kabuuang kaso sa bansa sa 4,072,844 na may 10,038 aktibong kaso.

Nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa pinakamaraming bagong kaso sa naitalang 72, kasunod ang Negros Occidental na may 16, Davao Del Sur na may 12, Cavite namay 11 at Iloilo na may 8.

LATEST

LATEST

TRENDING