SWS: 34% Pilipino, naniniwalang gumanda ang buhay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — May 34 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang mas gumanda ang kanilang pamumuhay noong nagdaang December 2022 kahit na mataas ang presyo ng bilihin sa naturang panahon.

Sa survey ng Social Weather Station (SWS), 26 percent naman ang nagsabing lumala ang kanilang buhay habang 39% ang nanatiling pareho ang uri ng kanilang pamumuhay.

Ang resulta ng survey ay naitala kahit na pumalo sa 8.1 percent ang inflation rate noong Disyembre o ang mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin at nakapagtala ng 51 percent ng mga Pinoy ang nagsabing sila ay mahirap.

Ang survey ay ginawa noong December 10-14, 2022 sa may 1,200 adults sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

LATEST

LATEST

TRENDING