BFAR: Tone-toneladang imported galunggong, dumating na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Dumating na sa bansa ang mahigit 13,000 metriko toneladang isdang galunggong na inangkat ng Pilipinas.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ipinatutupad ngayon ang closed fishing season sa Northeast ng Palawan kaya kinailangan umano na mag-import ng galunggong dahil kulang ang suplay nito sa bansa.

Sa ngayon, nasa P280 ang presyo ng lokal na galunggong kada kilo habang nasa P220 hanggang P240 ang presyo ng imported na galunggong kada kilo.

Ipinatutupad ang closed fishing season ng galunggong mula Nobyembre 1 at tatagal hanggang Enero 31.

Bukod sa galunggong, pinayagan din ng BFAR ang pag-aangkat ng bigeye scad, mackerel, bonito, at moonfish dahil kulang din ang suplay nito sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING