Alagang hayop puwede na sa LRT-2 simula Pebrero 1

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Inanunsyo ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) na papayagan nang sumakay ang mga alagang hayop ng mga pasahero si­mula Pebrero 1.

Sinabi ito ni LRT Authority (LRTA) administrator Hernando Cabrera nitong Huwebes, Enero 26.

Ito umano ay hakbang upang maging “pet-friendly” ang kanilang mga tren.

Kailangan na fully vaccinated ang mga alagang hayop, nakalagay sa carrier o kulungan at nakasuot ng diaper sa loob ng tren. Maliliit na alagang hayop lamang ang papayagan.

Kasalukuyan namang nagbibigay ng information materials at briefing ang mga security personnel nila tungkol sa bagong polisiya.

“Ang objective lang naman natin dito is gawing pet-friendly ang ating sistema,” pahayag ni Cabrera.

LATEST

LATEST

TRENDING