Marcos: Kabayanihan ng SAF 44, palaging magbibigay inspirasyon sa atin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Mananatiling inspirasyon sa paglilingkod sa bayan ang kabayanihan ng 44 na opisyal ng Special Action Force (SAF) na napatay sa anti-terrorism operation sa Maguindanao noong 2015.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paggunita sa kabayanihan ng SAF 44 noong Miyerkules, Enero 25.

“We honor the 44 brave Special Action Force officers who made the ultimate sacrifice in the line of duty,” isinaad ng Pangulo.

“Their heroism will always inspire us as we continue to protect and serve our people,” dagdag niya.

Napatay ang SAF 44 sa anti-terrorism operation noong Enero 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao. Ang operasyon na tinawag na “Oplan Exodus” ay humantong sa pag-neutralize sa Malaysian terrorist na si Zulkifli Abdhir alyas Marwan.

LATEST

LATEST

TRENDING