DOH: 128 bagong kaso ng Omicron subvariants, natukoy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — May 128 bagong kaso ng Omicron subvariants ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa panibagong genome sequencing nitong Enero 3 hanggang 9.

Sa pinakahuling biosurveillance report, 52 sa mga bagong kaso ang klasipikadong BA.2.3.20, isa ang kaso ng BN.1, 10 kaso ng BA.5, 28 kaso ng XBB, 13 kaso ng XBC, at 24 na iba pang uri ng Omicron subvariants.

Kabilang sa 10 kaso ng BA.5 ang tatlong BF.7 at isang BQ.1.

Isang bagong kaso ng Delta variant ang natukoy, kung kailan nakolekta ang sample sa kalagitnaan ng Disyembre 2022.

“All omicron variants tend to have a milder disease course as they settle less in the lungs and more in the upper nasal passages, causing symptoms like fever, tiredness, and loss of smell,” ayon sa DOH.

Sa kasalukuyan, nanatili ang BA.5 na dominanteng strain sa Pilipinas na may 12,658 kaso. Kasunod ang BA.2.3.20 na may 3,881 cases, XBB na may 949 cases, XBC 610 cases, at BA.4, 325 cases.

LATEST

LATEST

TRENDING