Inflation nitong Disyembre, lumala sa 8.1%

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Bumilis pa sa 8.1 percent ang inflation rate nitong Disyembre 2022 dahil sa mataas na presyo ng bilihin gaya ng sibuyas at iba pang mga gulay.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ito sa 8.0% noong November 2022 at malaking taas naman sa 3.1% sa kaparehong buwan ng 2021.

Sinabi ni PSA Chief Claire Dennis Mapa, ang inflation sa Food and Non-Alcoholic Beverages index noong Disyembre ay 10.2% mula sa 10 porsiyento noong Nobyembre, habang ang total food inflation sa national level ay tumaas sa 10.6% mula sa 10.3 percent noong Nobyembre.

Noong nagdaang Dis­yembre, ang presyo ng pulang sibuyas ay umabot sa P700 kada kilo sa ilang palengke sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng suplay pero malakas ang demand dito dahil sa kapaskuhan.

Bukod sa gulay at bigas, nagtaasan din ang presyo ng harina, tinapay at iba pang ba­kery products, pasta products, cereals,  gatas at iba pang dairy products, itlog, asukal, confectionery, desserts, ready-made food.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga kalamidad ang isang ugat ng pagtaas ng presyo ng mga pagkain dahil hindi nakapagtanim ang mga magsasaka sa takdang panahon ng pagtatanim.

Tumaas din ng 7% ang restaurant at accommodation services mula sa 6.9%, sinundan ng Housing, Water, Electricity, Gas at iba pang petrolyo na ?may 7 percent rate.

LATEST

LATEST

TRENDING