DOH: 8 Pinoy galing China, nagpositibo sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na may walong biyaherong Filipino na nagmula sa China ang nagpositibo sa COVID-19 makaraang sumailalim sila sa antigen testing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ulat ng Bureau of Quarantine (BOQ), lumapag sa Pilipinas ang mga Pinoy na biyahero mula Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 2, 2023.  Hindi umano sila bakunado kaya isinailalim sila sa antigen testing base sa umiiral na protocols ng pamahalaan.

“Based on current protocols, non-fully vaccinated individuals who are unable to present a negative predeparture test result are tested upon arrival at the airport,” ayon sa DOH.

Kasalukuyang nasa isolation na umano ang mga indibidwal na ito at sumailalim din sa confirmatory RT-PCR testing nitong Disyembre 31, 2022 kung saan muli silang nagpositibo.

Tiniyak naman ng DOH na patuloy ang mahigpit nilang monitoring at surveillance laban sa COVID-19 sa mga pumapasok na biyahero, maging ang mga nangyayari na trends sa mundo.

Una nang sinabi ng Bureau of Quarantine (BOQ) na ilang pasahero na nanggaling sa China ang nadiskubreng positibo sa COVID at ngayon ay nasa isolation na.

LATEST

LATEST

TRENDING