Ugnayan ng Pilipinas sa China, iaangat ni Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilalagay niya sa mas mataas na antas ang relasyon ng Pilipinas at China sa kanyang 3-day trip sa Beijing.

“I look forward to my meeting with President Xi as we work towards shifting the trajectory of our relations to a higher gear that would hopefully bring numerous prospects and abundant opportunities for the peace and development to the peoples of both our countries,” pahayag ng Pangulo bago umalis ng bansa kahapon.

Nagtungo si Marcos sa China dahil sa imbitasyon ni President Xi Jinping.

Hindi naman tinukoy ni Marcos kung igigiit niya kay Xi Jinping ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, kung saan nanatili ang tensyon dahil sa patuloy na pagpasok ng mga sasakyang pandagat ng China.

“The issues between our two countries are problems that do not belong between two friends such as Philippines and China. We will seek to resolve those issues to mutual benefit of our two countries,” ani Marcos.

Sa isang briefing noong nakaraang linggo, sinabi ng Department of Foreign Affairs na ilalabas ng Pangulo ang maritime issue at magkakaroon ng “direktang linya ng komunikasyon” para sa dalawang bansa para talakayin ang mga tensyon sa West Philippine Sea.

Inaasahang lalagda ang Pilipinas ng hanggang 14 bilateral na kasunduan sa China, kabilang ang isang deal sa digital cooperation, tourism cooperation, agrikultura at imprastraktura.

Interesado rin ang China sa agrikultura ng Pilipinas, renewable energy, nickel processing, at durian, na posibleng mga paksa para sa mga kasunduan sa negosyo.

Kasama ni Marcos sa biyahe sina First Lady Liza Araneta-Marcos, House Speaker Martin Romualdez, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, dating Pangu­long Gloria Macapagal-Arroyo, mga miyembro ng economic team at isang “sizeable” business delegation.

Ito ang unang paglalakbay ni Marcos sa ibang bansa ngayong 2023 at ika-pito mula nang maupo siya sa Malacañang noong nakaraang taon.

LATEST

LATEST

TRENDING