
MANILA – Nagbabala ang Department of Health (DOH) noong Martes sa publiko laban sa umano’y kumakalat na DOH Bulletin Message tungkol sa Upper Respiratory Infection sa China, na malisyosong gumagamit ng pangalan ng ahensya.
“The DOH would like to clarify that the message did not come from any verified platforms of the Department,” isinaad nito sa isang advisory.
Dagdag pa, pinaalalahanan ng Kagawaran ang lahat na ang anumang uri ng sakit ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malusog na gawi tulad ng tamang pagkain at ehersisyo. Sa pangkalahatan, maiiwasan ang mga sakit sa paghinga pati na rin ang iba pang mga nakakahawang sakit sa pamamagitan ng paggamit ng ating mga layer ng proteksyon tulad ng sanitasyon, masking, distancing, magandang bentilasyon, at pagbabakuna.
Sinabi ng DOH na patuloy nitong hinihikayat ang publiko na kumuha ng impormasyon mula lamang sa mga lehitimong mapagkukunan at platform, na maaaring ma-access sa pamamagitan ng mga opisyal na link at social media handle ng ahensya.





