BIR: Tax fraud cases, hindi sakop ng Christmas investigation ban

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi saklaw ng pagsususpinde ng imbestigasyon sa Christmas holiday ang tax evasion at iba pang piling aktibidad.

Inilabas ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr. ang paglilinaw sa Memorandum Order No. 55-2022 na nagpapahintulot sa patuloy na pag-audit ng ilang kaso.

Sinabi ng BIR chief na dapat ding panatilihin ng mga revenue officer ang audit ng estate, donor’s, capital gains at withholding tax returns gayundin ang withholding tax returns sa pagbebenta ng real properties at shares of stocks.

Binigyang-diin din niya na hindi kasama sa paghinto ng pag-audit ang taxpayer na magreretiro sa negosyo at mga kasong inireseta sa o bago ang Abril 15, 2023.

Pansamantalang sinuspinde ng BIR ang audit operations upang mabigyan ng pagkakataon ang mga nagbabayad ng buwis na ipagdiwang ang kapanganakan ni Kristo nang mapayapa at makabuluhan.

“Revenue fieldmen may also use the break to finalize their reports and do other office work,” wika ni Lumagui.

LATEST

LATEST

TRENDING