DOH: Dokumento sa Covid-19 jabs, isinumite na sa COA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Nagsumite na ang Department of Health (DOH) ng mga kinakailangang dokumento sa Commission on Audit (COA) ukol sa ginastos ng pamahalaan sa pagbiili ng COVID-19 vaccines para sa vaccination program ng gobyerno.

“Ngayong hapon, ika-15 ng Disyembre 2022, nagtungo si DOH Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire sa COA sa Bldg. 2, DOH Compound, upang ipasa ang mga kinakailangang dokumento alinsunod sa special audit na isasagawa ng COA para sa mga COVID-19 vaccine procurements,” ayon sa pahayag ng DOH.

Muling tiniyak ng DOH ang patuloy na pakikipagtulungan sa COA para sa iba pang mga dokumento at impormasyon na kakailanganin ng komisyon.

“Handa pong harapin ng Kagawaran ng Kalusugan ang anumang katanungan ukol sa vaccine procurement sapagkat kampante tayo na lahat ng mga prosesong isinagawa ng ating pamahalaan sa pagbili ng mga bakuna upang maprotektahan ang ating mga kababayan ay nakaayon sa batas,” saad ni Vergeire.

Iniulat rin ng DOH ang patuloy na vaccination program para hindi masayang ang mga bakuna at upang mas mapatatag pa ang “wall-of-immunity” ng bansa laban sa COVID-19.

Matatandaang kinumpirma ng DOH kamakailan na milyun-milyong doses ng bakuna ang nasayang lamang at hindi naiturok sa mga mamamayan.

Ipinaliwanag ng DOH na ang pagkasira ng mga bakuna ay dulot na rin ng maikling shelf life ng mga ito at pagtanggi pa ng ilang mamamayan na magpaturok ng bakuna.

LATEST

LATEST

TRENDING