BSP nagbabala vs scammers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Naglabas ng babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa mga scammers na nagpapanggap na mga tauhan nila para makapang-solicit ng pera sa kanilang mga biktima.

“In the performance of their official functions, the BSP clarifies that its personnel, officers, and units will never solicit money or ask any information or documents involving private individuals’ financial tran­sactions,” ayon sa opisyal na pahayag ng BSP.

Sinabi ng BSP na gumagamit ng totoo at maging mga imbentong pangalan ng kanilang mga opisyal at tauhan ang mga scammer sa pagtawag o pagpapadala ng mensahe sa kanilang mga target na biktima.

Gumagamit rin sila ng pekeng mobile numbers at email addresses para magmukhang opisyal at lehitimong mula sa BSP.

“To guard against such misrepresentations, the BSP reminds the public to always remain vigilant, avoid providing personal or financial information to suspicious individuals, and refrain from sending money to unverified recipients,” dagdag ng advisory.

Una nang naglabas ng babala ang BSP laban naman sa phishing o pagpapadala ng mga text messages na may kasamang malisyosong links para manakaw ang kanilang mga personal na impormasyon kabilang ang mga bank informations.

LATEST

LATEST

TRENDING