Marcos, planong magtayo ng high-rise housing para sa mga maralitang tagalungsod

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes na ang paglalagay ng mas maraming matataas na bahay ay maaaring makatulong sa pagtugon sa housing backlog sa bansa na higit sa 6.5 milyon.

Binanggit niya kung paano tinangka ng Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS) na proyekto ng kanyang mga magulang, ang yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating Unang Ginang Imelda Marcos, na bigyan ng sariling bahay at lupa ang mga maralitang tagalungsod.

Gayunpaman, sinabi niya na ang mga ito ay mga mid-rise na bahay at maaaring hindi na maisakatuparan ngayon dahil sa inilarawan niyang “kakulangan sa lupa” sa mga urban na lugar.

“Kung maaalala ninyo ‘yung project na BLISS, diyan nag-umpisa ang mid-rise na ilang five story, six story na building…Ngunit ngayon dahil mahirap na, baka siguro pataasin natin. Baka puwede na natin hanggang high-rise na. Ngunit pinag-aaralan natin ‘to. Siguro case to case ito,” aniya sa talumpati sa turnover ng mga bagong bahay at lote sa 30,000 pamilyang Pilipino sa Naic, Cavite.

Ang proyekto ng BLISS, na nagsimula noong 1981, ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng ina ni Marcos, na siya ring kasabay na Ministro ng Human Settlement noon.

Binigyang-diin ni Marcos ang mahalagang papel ng Department of Human Settlements and Urban Development sa pagtulong sa National Housing Authority (NHA) na matiyak na ang mga bahay na itinatayo para sa mahihirap ay malapit sa kanilang kabuhayan.

“Kung minsan ganun ang pakiramdam, parang isang oras ka bago makauwi lalo na sa Maynila. Pero ang aming tinitingnan the travel time mula sa bahay hangga’t sa trabaho ay hindi dapat lalampas sa isang oras,” aniya.

Sinabi rin niya na ang kanilang mga tahanan ay dapat ding malapit sa mga paaralan ng kanilang mga anak at malapit sa mga pamilihan.

Mga bagong tahanan

Samantala, nanawagan si Marcos sa lahat ng mga benepisyaryo ng pabahay na alagaang mabuti ang kanilang mga bagong tahanan at tiyaking may kontribusyon sila sa kanilang pag-unlad.

“Sa ating mga beneficiary, sa inyong pagsisimula ng bagong buhay sa inyong mga bagong bahay hangad ko na una mapaganda ninyo ang inyong mga tahanan, ito ay pakamahalin ninyo ng lubusan dahil ito ang magiging sakski ng paguunlad ninyo at ang inyong pamilya,” wika niya.

Pinasalamatan niya ang NHA at mga kinauukulang ahensya at local government units sa kanilang pangako sa pagtiyak ng matagumpay na turnover ng mga bahay at lupa sa lahat ng benepisyaryo.

Hinikayat niya ang mga opisyal ng NHA na patuloy na magtrabaho upang matiyak na ang lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng tahanan na malapit sa kanilang kabuhayan.

Muli niyang idiniin ang pangangailangan para sa NHA at mga kinauukulang ahensya na tiyakin na ang mga tahanan ay nababanat sa mga panganib ng natural na kalamidad.Muli niyang idiniin ang pangangailangan para sa NHA at mga kinauukulang ahensya na tiyakin na ang mga tahanan ay nababanat sa mga panganib ng natural na kalamidad.

“Batid natin ang iba’t ibang uri ng sakuna at problemang dumadaan sa ating bayan kaya naman napakahalaga na masiguro natin na ang mga bahay na ating itinatayo at ipinapamahagi ay mananatiling matibay at tatagal anuman ang maging lagay ng panahon,” wika niya.

Tiniyak din niya sa publiko na patuloy na magtatrabaho ang kanyang administrasyon hanggang sa magkaroon ang bawat Pilipino ng lugar na tinatawag nilang tahanan.

“Tiwala ako sa pagbubuklod nating lahat, unti-unti nantin mabibigyan ang bawat pamilyang Pilipino ng maayos at abot kayang tahanan,” dagdag niya.

LATEST

LATEST

TRENDING