Marcos, nais ipagpatuloy ang ‘Kadiwa’ pagkatapos ng Christmas season

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang pagpapatupad ng proyekto ng Kadiwa ng Pasko ay magpapatuloy kahit lampas sa panahon ng kapaskuhan, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Huwebes, dahil kinikilala niya ang kahalagahan ng pag-aalok ng mas abot-kayang mga produkto sa mga mamimiling Pilipino.

Sa Kadiwa ng Pasko caravan sa Quezon City, humiling ng tie-up si Marcos sa mga local government units (LGUs) para matiyak ang tagumpay ng proyekto.

Magtutulungan na ang Office of the President (OP) at ang ating mga LGU para lahat dahan-dahang kumakalat ang dami nito. Kaya’t ‘yan po ang ating dapat ipagpatuloy ” wika ni Marcos.

At masasabi ko na kahit pagkatapos na ng New Year ay hindi naman namin ititigil ‘yung Kadiwa ng Pasko. Patuloy nang patuloy na ‘yan. Hangga’t maaari ay patuloy ang Kadiwa para naging national program, para lahat ng buong Pilipinas ay makikita naman nila at makakatikim naman sila nung savings doon sa kanilang mga binibili,” dagdag niya.

Isang inisyatiba ng Office of the President at pinangunahan ng Department of Agriculture, ang Kadiwa ng Pasko na proyekto ay pormal na inilunsad noong Nobyembre 16 upang isulong ang abot-kaya at de-kalidad na mga produkto.

Ang programa ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamimili na bumili ng mas abot-kayang mga produkto at nagbibigay ng merkado sa mga lokal na prodyuser ng agrikultura pati na rin ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Muling iginiit ni Marcos na ang proyekto ay nagbibigay-daan din sa gobyerno na makapag-alok ng mas murang bigas, na nagkakahalaga lamang ng PHP25 kada kilo.

Regalo sa Pasko

Ang programang Kadiwa ng Pasko, ani Marcos, ay “magandang” pamasko na regalo ng kanyang administrasyon sa mamamayang Pilipino.

Kaya’t palagay ko ay maging magandang pamasko,” aniya. “I hope it is the gift that keeps on giving. And that is what we have been working towards.

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa mga Kadiwa caravan partners at kalahok, kabilang ang Quezon City LGU na nagsisilbing modelo ng gobyerno sa pagpapatupad ng proyekto.

Maraming, maraming salamat sa inyong lahat sa inyong pakikilahok. Nagtutulungan po tayo. Kailangan po talaga tayong magtulungan, makahanap ng paraan na tayo ay magkasama. Tayo pagka sabay-sabay ang ating galaw, kahit na anong gugustuhin natin, kahit na ano na ating pinapangarap ay makakamtan po natin,” wika ni Marcos.

Pagpapatatag ng mga presyo sa merkado

Inaasahan din ni Marcos na patatagin ang presyo ng mga bilihin sa mga lokal na pamilihan sa unang quarter ng 2023.

Ito, tulad ng sinabi niya na ang layunin ng proyekto ng Kadiwa ay magbabago, kung sakaling ang mga presyo sa mga merkado ay maging “katulad ng kung ano ang maaaring ibigay sa Kadiwa [caravan].”

Once we get to a point where it’s no longer necessary, where the prices in the markets are the same as what we can give in the Kadiwa, then we don’t need the Kadiwa anymore. Maybe [we’ll implement the project] just for distribution para sa mga [to those in] far-flung areas,” wika ni Marcos.

But we’re not yet there at that point, pinapakalat lang natin around the country right now. As it stands right now, in terms of supply, we’re okay until at the very least, February, March of next year. Hopefully by then, the prices of commodities in the market will have normalized,” dagdag niya.

Inilunsad ang Kadiwa ng Pasko project upang tugunan ang inflation at mga pagtaas ng presyo na kaugnay ng panahon ng Pasko.

Nagbibigay ito ng direktang farm-to-consumer food supply chain upang maalis ang ilang mga marketing layer at makatulong na mapalakas ang kita ng mga local agricultural producer.

Ang caravan ay ipinatutupad sa pakikipagtulungan sa mga departamento ng trade, interior at local government, social welfare at labor.

LATEST

LATEST

TRENDING