Marcos, inaasahang pipirmahan ang 2023 budget bago ang Disyembre 15

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA — Inaasahang lalagdaan ni Pangulong Marcos bilang batas ang panukalang P5.26-trilyong national budget para sa 2023 bago ang Disyembre 15, ipinahayag kahapon ni Sen. Sherwin Gatchalian.

Ang bicameral conference committee – na binubuo ng mga kinatawan mula sa Senado at House of Representatives – ay nagnanais na makabuo ng isang pinagkasundong bersyon ng national spending plan habang tinatapos nito ang deliberasyon sa 2023 General Appropriations Bill noong Lunes.

The bicam will end by Dec. 5. The target date of signing by the President is before Dec. 15, hopefully. But I’m sure before New Year, this will be signed and we will have a new budget,” wika ni Gatchalian sa sideline ng paggunita sa ika-159 na anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio sa Caloocan City.

Si Gatchalian ang namumuno sa Senate committee on finance sub-committee E.

What we are saying is that there is still such a great amount of fat that needs to be trimmed, particularly in the confidential and intelligence funds,” wika ng Infrawatch convenor at dating Kabataan party-list congressman na si Terry Ridon sa isang panayam kamakailan sa “The Chiefs” na ipinalabas sa One News ng Cignal TV.

Nabahala sina Opposition Senators Aquilino Pimentel III at Risa Hontiveros sa P9.3-bilyong CIFs para sa iba’t ibang ahensya na walang kinalaman sa intelligence, information o data gathering activities.

Si Marcos ay nagmumungkahi ng P4.5-bilyong CIF para sa kanyang opisina sa susunod na taon, habang si Vice President Sara Duterte ay naghahanap ng P500-milyong CIF sa ilalim ng P2.3-bilyong iminungkahing alokasyon ng kanyang tanggapan.

Ibinalik ng Senado ang P152 milyong halaga ng CIFs sa iba’t ibang ahensya nang maipasa nito ang panukalang 2023 national budget sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang linggo.

Naniniwala si Committee senior vice chair and Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ay magkakaisa, dahil sila ay gagabayan ng walong puntong socioeconomic agenda ni Marcos.

Ang panukalang P5.26-trillion 2023 national budget ay 4.9 porsiyento na mas mataas kaysa sa budget ngayong taon, ayon sa Department of Budget and Management.

LATEST

LATEST

TRENDING