PSA, aalisin ang nat’l ID backlog sa 1Q ng 2023

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Ipinahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na target nilang makapagbigay ng natatanging Philippine Identification System (PhilSys) number sa humigit-kumulang 75 milyong mga rehistro sa unang quarter ng 2023.

Sa isang Laging Handa briefing, sinabi ng officer-in-charge ng PhilSys Registry Office na si Fred Sollesta na nilalayon ng ahensya na alisin ang backlog ng humigit-kumulang 50 milyong physical card sa susunod na taon sa pamamagitan ng pag-isyu ng natatanging 12-digit na numero ng PhilSys.

So, by first quarter of 2023 we are certain that we can wipe out that backlog na lahat ng mga nagparehistro ay may unique na PhilSys number na. So kung may unique PhilSys number na, puwede natin na unahin as an option sa ating mga kababayan, as an option sa kanila to issue the ePhilID – and ultimately, we will still receive the physical card,” wika ni Sollesta.

Binanggit niya na ang PSA ay nakipag-usap sa Bangko Sentral ng Pilipinas para mas mapabilis at mapataas ang volume ng PhilID production at printing.

Aniya, may kabuuang 25 milyong physical PhilID card ang naipadala.

Ongoing naman iyong talks ng PSA ngayon at BSP, papaano siya ma-increase din, iyong card production para hindi naman gaano na masyadong matagal iyong paghihintay ng ating kababayan,” wika niya.

Sinabi niya na ang sistema ay unang sinakal ng milyun-milyong nagparehistro na nagdudulot ng mga backlog.

In a way masabi natin nabubulunan iyong system natin kasi naka-setup na iyong ating IT infrastructure including iyong card printing facility. Pero ngayon humahabol kami dahil mas mataas na talaga iyong production,” aniya.

LATEST

LATEST

TRENDING