DOH nakapagtala ng 695 pang kaso ng Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Iniulat ng Department of Health (DOH) na ang Pilipinas ay nakapagtala ng 695 pang kaso ng Covid-19 noong Martes.

Ang Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso nitong nakaraang dalawang linggo na may 3,402.

Sinundan ito ng Calabarzon na may 1,981, Western Visayas na may 1,472, Central Luzon na may 1,132, at Central Visayas na may 1,096.

NCR (National Capital Region) Plus areas and all island groups are showing upward case trends since early November,” sinabi ng DOH sa isang hiwalay na ulat.

Sa pagtuklas ng mga bagong kaso, tumaas ang caseload ng bansa sa 4,027,469. Kabilang dito ang 3,945,419 na mga gumaling at 64,500 mga nasawi.

Noong Lunes, sinabi ng Octa Research Group na ang pitong probinsya ay nagrehistro ng “napakataas” o higit sa 20 porsiyentong positivity rate sa nakalipas na linggo.

Pinaalalahanan ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante ang publiko na nananatiling banta ang SARS-CoV-2 virus.

Nandito pa rin ang virus sa community natin. at mayroon pa rin tayong community transmission,” aniya sa public briefing noong Martes.

LATEST

LATEST

TRENDING