US naglaan ng $7.5-M para matulungan ang Pilipinas na labanan ang iligal na pangingisda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang Estados Unidos ay maglalaan ng USD7.5 milyon bilang karagdagang tulong upang matulungan ang Pilipinas na labanan ang illegal, unreported at unregulated fishing (IUU), ipinahayag ng US Office of the Vice President nitong Martes.

Ang anunsyo ay gagawin sa makasaysayang paglalakbay ni US Vice President Kamala Harris sa Puerto Princesa sa Palawan ngayong Nobyembre 22, kung saan siya ay “muling mangangako” sa alyansa ng US sa Pilipinas.

Sa isang backgrounder na ipinadala ng US Office of the Vice President, sinabi ng isang US official sa kondisyon na hindi magpakilala, ang paglalakbay ni Harris ay nagpapakita ng pakikiisa ng Washington D.C. sa Pilipinas sa “pagtaguyod ng internasyonal na kaayusan na nakabatay sa mga patakaran” sa South China Sea.

(VP Harris is going to Palawan to demonstrate) that we stand with the people of Palawan – and the Philippine people – whose lives and livelihoods are affected when the international rules and norms are violated, and our commitment to address the climate crisis and support coastal communities adapt,” isinaad ng opisyal.

Ang Palawan ay ang pinakamalapit na lalawigan sa South China Sea, isang resource-rich sea lane na pinagtatalunan ng ilang mga bansa at isang hotspot para sa IUU fishing.

Bukod sa pagpapalakas ng kapasidad at kakayahan laban sa IUU, ang bagong pagpopondo ay makakatulong din sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas sa maritime na mapabuti ang kamalayan sa maritime domain at magbigay ng suporta sa paghahanap at pagsagip.

Her message is essentially that: to protect lives and livelihoods, we must protect international rules and norms,” isinaad ng US official. “[S]he’ll make the case that we’ll continue to rally the world against unlawful and irresponsible behavior. And in doing so, we’re committing to protect the economic vitality of communities in the Philippines and the ecosystems they rely on,” dagdag ng opisyal.

Bibisitahin din ni Harris ang fishing village ng Tagburos, kung saan nagmumula ang humigit-kumulang kalahati ng suplay ng isda ng Puerto Princesa. 

LATEST

LATEST

TRENDING