DOH: P15.6 bilyong halaga ng mga bakunang Covid-19 ang nasayang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Mahigit 31 milyong bakuna o PHP15.6 bilyong halaga ng mga bakuna sa coronavirus disease (Covid-19) ang nasayang sa ngayon, ipinahayag ng isang health official nitong Lunes.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na 24 milyong dosis ang nasayang dahil sa maikling shelf life habang ang natitirang pitong milyon ay itinapon dahil sa temperature excursion o binuksan ngunit hindi nagamit.

This 31 million po ‘pag tiningnan po natin ‘yung kabuuan, almost 70 percent po dito ay ‘yun pong na-procure ng private sector at saka ng local governments,” wika ni Vergeire.

Ipinaliwanag niya na ang mga naunang batch ng Covid-19 jab ay mayroon lamang shelf life na anim na buwan mula sa petsa ng paggawa ng mga ito.

Nauna rito, ibinunyag ng DOH na ang pag-aalinlangan sa bakuna at pagkakampante ng mga Pilipino ay dalawa sa mga salik na humantong sa mababang saklaw ng booster shot sa buong bansa.

Noong Nobyembre 20, mayroong 73,707,875 Pilipino ang ganap na nabakunahan laban sa Covid-19, at 20,866,539 ang nakatanggap ng kanilang booster dose.

LATEST

LATEST

TRENDING